Kris Aquino Nakulam Kaya Matindi Sakit?

Lunes, Hulyo 18, 2022

/ by Lovely

Isang psychic ang naglutang ng posibilidad na baka nakulam si Kris Aquino kaya lumala ang sakit nito. Sa YouTube video ni Aiko Melendez, kanyang nakausap ang psychic na si Jovi Vargas. Doon nabanggit ni Jovi na may ibang mga tao na hindi maiwasang sabihin na baka nga raw nakulam si Kris kaya malala ang sitwasyon ng kalusugan nito.

“Hindi ko naman maiaalis kung maniniwala sila o ang iba na kahit ako, kung paniniwalaan ko ba ‘yung sinasabing nandoon daw siya sa sitwasyon na kulam,” sabi ni Jovi.

Kaya naman agad na itinanong ni Aiko kung nakulam nga ba daw si Kris. Ayon naman sa psychic, hindi naman daw nakulam si Kris.

“Well, sakit naman talaga hindi naman dahil sa kulam. Kailangan talagang makakita ng lunas sa sakit niya pero sa akin medyo bumibigay na ‘yung katawan niya,” wika nito.

Nagpayo rin ang psychic na huwag nang makialam si Kris sa politika at magpokus na lang sa pagpapagaling.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo