Nagbahagi ang kolumnistang si Cristy Fermin ukol sa kasalukuyang kalagayan ng kalusugan ni Kris Aquino. Sa kanyang Youtube channel na Showbiz Now Na, kasama sina Romel Chika at Morly Alinio isa ang Queen of all Media sa kanilang naging paksa.
Ayon kay Cristy, nagpadala ng mensahe sa kanya si Kris matapos mapanood ang summarize at edited videos niya, kung saan nagbibigay siya ng komento tungkol kay Kris at sa mga anak nito.
Naglabas ang kolumnista ng sama ng loob at nilinaw kay Kris na hindi naman nila kailan man tinirada ang kanyang mga anak sa mga shows niyang Cristy Ferminute o Showbiz Now Na. Pinagdiinan din nito na madalas silang manawagan ng dasal para sa kanyang agarang paggaling.
Parte ng mensahe ng ni Kris sa Kolumnista, ay ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang kalusugan pati na rin ang nangyayari sa pagpapagamot nito sa America.
"Parang lumalabas, lilipat na naman siya ng hospital. Dahil 'yung ipinag-alala nila sa Houston na gamutan na palpak, ay pumalpak na nga. Sa englis sinabi niya 'yan," saad ni Cristy.
Dagdag pa niya, "Nagkamali-mali na nga kaya hindi niya alam kung lilipad na naman sila at lilipat ng hospital."
Aniya pa, hindi na niya ididetalye pa ang ang nilalaman ng sulat sa kanya ni Kris ngunit, ibinahagi niya na sasailalim si Kris sa chemotherapy.
Sabi pa ni Cristy, marahil ay sasailalim ito sa ganitong uri ng treatment upang hindi na lumala ang mga sakit ni Kris. Labis na nag-aalala ang mga kapatid niya dahil 'yung mga sakit niya ay umeepekto sa kanyang mga ugat patungo sa kanyang puso.
Matatandaang nagpositibo rin sa Covid-19 ang mag-iina at marahil ay may naging epekto ito sa kalagayan ni Kris.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!