Kylie Padilla Naiyak Sa Video Na Sinend Ni Aljur Abrenica Sa Kanya!

Martes, Hulyo 5, 2022

/ by Lovely

Halos isang taon nang hiwalay sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica pero tuloy ang kanilang komunikasyon at pag-uusap tungkol sa kanilang mga anak. Kaya naman hindi naiwasang mapaluha ng aktres na si Kylie Padilla sa ipinadalang video sa kanya ng stranged husband na si Aljur Abrenica.

Sa Instagram ibinahagi ni Kylie ang nasabing video kung saan makikita ang panganay nila ni Aljur na si Alas Joaquin habang ito ay nagsasanay lumangoy sa isang swimming pool.

"@ajabrenica sent this to me today. Oh my child you put mama in a state of awe. I can only watch you grow into your own human being. Gosh lahat nalang iniiyakan ni mama huhuhuhu," caption ni Kylie sa kanyang Instagram post.

 Halos isang taon na mula nang nangyari ang controversial na hiwalayan nina Kylie at Aljur. Ngunit nananatili pa rin silang mga magulang sa kanilang mga anak na sina Alas Joaquin at Axcel.


Kamakailan ay inamin ni Kylie sa isang podcast na nakikipagdate na rin siya ngayon. Ngunit hindi siya nagbigay ng karagdagang detalye tungkol dito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo