Liza Soberano, Ipinahiya Nga Ba Si Sen. Imee Marcos Ng Tumanggi Itong Gumanap Bilang Younger Imee?!

Martes, Hulyo 19, 2022

/ by Lovely

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang pelikulang Maid in Malacanang kung saan nakasentro ang kwento sa huling 72 hours ng mga Marcos sa Malacanang Palace bago bumaba sa pwesto si Dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr.

Kontrobersyal at talagang kaabang-abang ang nasabing pelikula lalo na at pinagbibidahan ito ng mga magagaling na aktor at aktres sa industriya.

Samantala, tila iniintriga ngayon si Senator Imee Marcos. Nagwala umano ito sa galit nang hindi nasunod ang gusto nito na si Liza Soberano ang gaganap bilang younger Imee Marcos sa pelikulang Maid in Malacanang.



Ayon sa isang Facebook account, tinanggihan umano ni Liza Soberano ang offer ni Sen. Imee na maging bahagi siya ng nasabing pelikula. Kahit pa sa laki ng inoffer na talent fee.

 "CHIKA MINUTE!

How true na nagalit at nagwala raw si Sen. Imee Marcos nang hindi nasunod ang gusto niya na si Liza Soberano ang gumanap bilang younger Imee sa upcoming film na 'Maid in Malacanang'?

Ang chika, tinanggihan daw ng magandang aktres ang offer ni Sen. Imee na maging bahagi siya ng naturang pelikula, kahit pa tumatagingting na P203-B per shooting day ang offer na talent  fee.

"No way!" 'yun daw ang malutong na sagot ni Liza sa offer na lubhang ikinainit umano ng baba este ng ulo ng senadora.

Ayon sa aking source, matagal na raw na idol ng senadora ang magandang aktres. Madalas pa nga raw nitong ipinagmalaki na kamukha niya su Liza at nakikita niya ang sarili niya  rito nu'ng kabataan niya."



Hindi naman alam kung may katotohanan nga ba ang mga nasa post o gawa-gawa lamang dahil matatandaang, sinabi noon ni Sen. Imee Marcos na kinilabutan siya sa pagganap ni Kristine Reyes bilang younger Imee sa nasabing pelikula. Kuhang-kuha umano nito ang mga mannerism ng Senadora.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo