Lolit Solis Inintriga Ang Pagdalawa Ni Zsa Zsa Sa Puntod Ni Dolphy Lolit May Malaking Rebelasyon Na

Martes, Hulyo 12, 2022

/ by Lovely

Noong nakaraang araw ipinost ni Zsa Zsa Padilla ang litrato ng kanyang pagdalaw sa puntod ng yumao niyang asawa na si Dolphy. Sa nasabing post ipinakita ni Zsa Zsa ang napakagandang bulaklak na inalay niya para sa yumaong kabiyak.

"10 years. Seems like only yesterday when we lost you, but the joy you’ve given will be in our hearts forever. Dolphy, you are greatly missed. Thank you. 🙏🏼 Please say a prayer for Dolphy’s 10th year death anniversary," caption ni Zsa Zsa sa nasabing post.



May ilang namang mga netizens ang tila nalungkot dahil sa tahasang Dolphy na lamang ang tawag ni Zsa Zsa sa yumaong asawa. Matatandaang 'lovey' ang tawag noon ni Zsa Zsa kay Dolphy. Sinagot naman ito ng ilang mga netizens at ipinagtanggol si Zsa Zsa. Sabi nila, may bagong partner na ngayon si Zsa Zsa at nakapgmove-on na rin.

Samantala, tila inintriga naman ng Veteran Showbiz Columnist na si Lolit Solis ang pagdalaw ni Zsa Zsa Padilla sa puntod ng kanyang asawa na si Dolphy. Ito'y matapos alalahanin ni Lolit Solis ang naging isyu noon.



"Parang kelan lang Salve iyon balita kay Dolphy sa pagkamatay nito. Pero 10 years na pala iyon. Naalala pa ni Eric Quizon na iyon 7M na hospital bills ni Dolphy ay sinagot ni MVP. Nuon pa man kilala na sa pagiging very generous at charitable ni Manny V. Pangilinan kaya naman lahat gusto na maging Big Boss siya. Si MVP pa naman ang isang napakataas na tao na napaka bait. Kahit saan mo makita babatiin ka, kakausapin. Kaya naman siguro kahit ano hawakan niya big success dahil sa maganda niyang ipinakikita sa mga tao. Ikakasal na pala ang anak nila Dolphy at Zsazsa Padilla kaya naghandog pa ng poem si Zia sa kanyang ama na si Dolphy. Sayang nga at wala na siya para saksihan ang kasal ng anak, pero nasaan man si Dolphy tiyak na maligaya siya . Prayers for his soul," post ni Lolit Solis sa kanyang Instagram account.

Tanong naman ng ilang mga netizens, ano kaya ang purpose ni Manay Lolit Solis? Bakit nga ba tila ibinalandra pa nito ang nakaraang isyu?

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo