Lolit Solis Itinakbo Sa Ospital! Tinablan Na Umano Ng "Sumpa" Ni Bea Alonzo!

Lunes, Hulyo 18, 2022

/ by Lovely

Kinailangan umanong ma-confine para maobserbahan at mamonitor ang kalusugan ng showbiz columnist na si Lolit Solis. Ibinahagi ito ni Manay Lolit Solis sa pamamagitan ng kanyang Instagram account at ikinuwento ang kanyang kalagayan.

"Naku Salve, magdusa ka. Dahil nanghina ako at napahinga sa hospital talagang naging erratic ang tulog ko. Madaling araw gising ako at walang magawa. Ayaw ko naman magbasa dahil parang masakit mga eyes ko. Touched talaga ako sa concern nila Rhea Tan ng Beautederm, Cris Roque ng Kamiseta, Avec Amarillo ng Villar group dahil non stop sila sa pag kumusta sa text. Lalo na ang number 1 fan ni Bea na si Leo Espinosa na talagang lumalaban sa kulam ni Bea sa akin, joke joke joke. Back to normal ako dahil miss ko na agad ang Take it, Take it me Ganon namin ni Mr Fu. Sino kaya makakasama niya, si Gorgy, si Jerry o ikaw mismo Salve, cute iyon ha, dahil marami ka nang fans at kilalang kilala na ang pangalan Salve. Gusto ko na mag check out kahit pa nga mami miss ko for sure ang mga nurses at doctors ko dito sa hospital. Sobra sila maasikaso at parang hindi sila papayag na hindi ako gumaling. Bow talaga ako kay Dr. Florante Munoz, Dra. Linga at Dra. Evangelista dahil wala silang tigil sa sa check up sa akin kahit pasaway ako na pasyente. Saka siyempre ngayon ko feel na love ako ng mga angel ko sa Heaven dahil heto alive and maldita parin ako, hah hah. Pero no joke, pray for my recovery ha, ang hirap ng maysakit. Gusto ko Superwoman ako, at the age of 75 ha, grabe noh,spoiled talaga. Amen."



Samantala, sa kabila ng kasalukuyang kalagayan ngayon ni Lolit Solis, tila hindi pa rin ito tumitigil sa pambabanat nito kay  Bea Alonzo.

Matatandaang, ilang beses na rin niyang binanatan ang Kapuso actress sa kanyang mga nakaraang Instagram post.

"Tinablan na ako ng sumpa ni Bea Alonso, Salve, hah hah hah joke joke ni Leo Espinosa. Talagang kailangan ko ng ma confine para sa monitoring ng aking health. Pero dahil sa love ninyo nila Gorgy at Jerry, heto at puwede na naman ako magmaldita. Salamat kay direk Lino Cayetano at assistant niyang si Gen, sa Japanese melons dahil naging saver iyon sa aking taste buds habang nasa confinement. Talagang buti na lang at mababa sugar ko kaya puwede ako eat ng fruits, hah hah, thanks Direk Lino Cayetano. Sorry Bea, mas malakas ang charms ni Leo, Gorgy at Salve, kaya heto, back to normal uli ako sa sweetness ko sa iyo, kahit itanong mo kay dra. Evangelista , type ka niya, dahil sweet ka daw, charot."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo