Lolit Solis Nag Reak Sa Anti Ghosting Bill Muling Naalala Si Bea Alonzo Ang Buong Detalye Alamin!!

Huwebes, Hulyo 28, 2022

/ by Lovely


Tila hindi pa rin tinantanan ng kolumnistang si Manay Lolit Solis ang aktres na si Bea Alonzo. Ginawa pa nitong halimbawa si Bea Alonzo sa isang bill na isinampa, ang panggo-ghosting.

Ayon sa balita, ang Anti-ghosting Bill na inihain ng Negros Oriental Representative Arnulfo Teves Jr. ay isang panukalang batas laban sa panggo-ghosting o ang umanong bigla-biglang pagtigil ng lahat ng uri ng komunikasyon sa pagitan ng dalawang miyembro ng isang dating relationship. Tinatawag ng panukalang na isang uri ng "emotionl abuse" ang ghosting, na kailangan daw parusahan.

The lawmaker's proposal also defines dating relationship as a situation wherein the parties live as husband and wife without the benefit of marriage ar are romantically involved over time and on a continuing basis during the course of the relationship.

Likewise, the measure states that a casual acquintance or ordinary socialization between two individuals in a business or social context is not a dating relationship.

Samantala, muling bumanat si Lolit Solis sa kanyang Instagram account  kunsg saan si Bea Alonzo pa ang kanyang ginawang halimbawa sa nasabing Anti-ghosting bill.

"Natatawa ako na magkakaroon ng anti ghosting bill, Salve. Kaloka na ang magiging number 1 example nito si Bea Alonzo, hah hah hah. Sa tuwing pag uusapan ang ghosting, siya papasok sa isipan mo. Sa tuwing meron mag complain, parang si Bea ang maiisip mo. Teka, hindi ba unfair din lalabas kung ang sasabihin mong may kasalanan lang iyon nang ghosting ? Hindi ba dapat din malaman bakit siya na ghosting? Baka naman talagang gusto ng iwanan pero ayaw pa bumitiw, iniiwan na naghahabol pa. Hindi naman siguro isa lang ang may sala, it takes two to tango, so, pag na ghosting ka, ibig sabihin may dahilan. Tanggapin mo na pag ayaw na sa iyo, huwag ng masyado pang ipilit pag ayaw na. Like sa kaso ni Bea Alonzo, twice iniwan, may something na, kaya dapat accept na. Parang humahabol pa kaya nagiging issue. Bye bye na pag no more love, huwag na ipilit."



Tila hindi naman nagustuhan ng ilang mga netizens ang sinabing ito ni Lolit  Solis. Lalong-lalo na ang mga taong na-ghosting at nakaranas ng depression. Sa post ni Lolit, tila sinisisi pa nito ang mga taong iniwan na lamang bigla. Hindi porke't ayaw na ng isang tao sa isang relasyon ay may karapatan na itong basta-basta na lamang nang-iiwan ng wala man lang pasabi.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo