Maggie Wilson, Business Partner Tim Connor Ipinaaresto Dahil Sa Kasong Adultery!

Lunes, Hulyo 18, 2022

/ by Lovely

Naglabas ng warrant of arrest ang Taguig Metropolitan Trial Court laban kay Maggie Wilson at sa business partner niyang si Tim Connor kaugnay sa tatlong counts ng kasong adultery na isinampa ng asawa ng actress-TV host na si Victor Consunji.

Nito pang Lunes nailabas ng Taguig MTC Branch 115 ang warrant of arrest laban kina Wilson at Connor (Tim Jayankura Na Ayudha sa totoong buhay) pero nitong Biyernes ng gabi lamang ito naiulat.

Tig-P36,000 ang inirekomendang piyansa ng korte sa bawat isang kaso para sa pansamantalang kalayaan ng mga akusado. Sa resolusyon ng piskalya, lumabas na mayroong "reasonable ground" para sampahan ng nasabing kaso sina Wilson at Connor.



Isinampa ni Consunji ang kaso makaraang madiskubre na nagtalik sina Wilson at Connor noong Disyembre 2021, Enero 2022 at Pebrero 22 kahit kasal pa sa kanya ang babae.

Ano sa palagay mo, paano kaya nalaman ni Victor na nagtalik si Maggie at Tim noong mga araw na 'yon?

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo