Maggie Wilson Pinalalayas Sa Bahay, Pinutulan Ng Kuryente!

Lunes, Hulyo 18, 2022

/ by Lovely

Inireklamo ng aktres na si Maggie Wilson na pinalalayas siya at ang kanyang pamilya sa kanyang bahay sa Taguig ng mga opisyal ng Victor Consunji Development Corp. nitong Biyernes ng hapon.

Sa video na ipinost niya sa Instagram, sinabi ni Wilson na pinasok ng mga nasabing tauhan ng VCDC ang kanyang bahay at kinunan ng video ang loob nito.

"They stated that the property is owned by DMCI (D.M. Consunji Inc.) despite me explaining over the phone on multiple occasions that there is a contract that exists on the property," ani Wilson.

Ipinakita rin ng actress-TV host ang video kung paano kinausap ng isang opisyal ng VCDC ang kanyang kapamilya at sinabing "ise-secure" ang bahay dahil "pag-aari po ito ng DMCI." Sinabi pa ng opisyal na papalitan nila ang padlock at iiwan pansamantala ang mga gamit na nasa loob ng bahay.

"Kaya naman po kami nagpapaalam para sabihan na ipa-padlock na po namin," pahayag ng opisyal.

Sa pinto ay hinarap naman ito ng kapatid ni Wilson na si Beth.

Sabi ng opisyal kay Beth, "We want to padlock it first and whatever gamit na nasa loob will stay there until you guys want to take it out."

Nang tinanong ni Beth kung alam ni Wilson na pinalalayas na sila sa bahay, sinabi ng opisyal na, "Maggie was supposed to have the notice but this is a property of DMCI, we will secure."

Ayon kay Wilson, wala siya sa bahay ng mga oras na iyon pero sinabi niya na natakot siya para sa kaligtasan niya at ng kanyang nga kapamilya.

"They asked if I was present and proceeded to enter my house with the barangay carrying batons. I fear that if I was there, they would've used them on me," dagdag ng aktres.



Habang sinusuri ng opisyal ang loob ng bahay, nag-usap sina Wilson at ang kapatid bago ipinaalam sa opisyal na mayroong hawak na contract of lease sa nasabing property ang aktres.

Ayon pa kay Wilson, mismong ang nasabing opisyal pa umano ang nakalagda sa kontrata. Umalis naman ang grupo nang bigyan ng kopya ng kontrata. Pero hindi roon natapos ang reklamo ni Wilson. Ilang oras makaraang makaalis ang mga taga-VCDC ay nawalan ng kuryente ang bahay.

"So we're currently outside of the house, cause there's no electricity inside the house. This is the house, it's pitch black, all of us are outside of the house. The street lights are on, other peoples' houses have light so I don't know what's going on right now," ayon kay Beth sa video na ipinost din ni Wilson sa Instagram.

Estranged husband ni Wilson ang may-ari ng VCDC at director ng DMCI na si Victor Consunji.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo