Maid in MalacaƱang Trailer Pinanood Ni Kris Aquino, May Mali Daw!!

Martes, Hulyo 19, 2022

/ by Lovely

Nagtrending kaagad ang ipinalabas na trailer ng pelikula ni Derik Darryl Yap na Maid in Malacanang at umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens na nakapanood nito. Maging si Kris Aquino na nagpaalam sa kanyang mga tagasuporta na hindi muna mag-uupdate sa social media, ay hindi napigilan na magkomento sa nasabing trailer.

Maririnig sa isang part ng trailer si Cory Aquino na nagsasabing, "Get them out of the Philippines." Hindi naman nakapagpigil si Kris Aquino at nag-Tweet ng larawan mula sa isang pahina ng aklat na may salaysay ni Cecelia Munoz Palma tungkol sa mga nangyari noong panahong iyon. May caption itong, "For your information."



Sa salaysay mababasa ang mga naging kaganapan noong pinaalis ang Pamilya Marcos sa Malacanang. Mababasa rin ang intial na sagot ni Cory sa umano'y pakiusap noon ng mga Marcos na manatili muna sa Pilipinas kahit dalawang araw lamang. 

"Poor man, give him two days," initial na sa sagot ni Cory sa pakiusap ng mga Marcos. Ngunit, pinayuhan umano ito nina Cecelia na hindi ito maari baka makapag regroup ang mga Marcos at hindi bababa sa posisyon. Taliwas naman ito sa ipinakita ng pelikulang Maid in Malacanang. Kung saan sinabi ni Cory na, "Get them out of the Philippines."



Samantala, umani naman ng samu't-saring mga komento mula sa mga netizens ang Tweet ni Kris. May ilang mga netizens na pinagsabihan si Kris na mag-focus na lamang sa pagpapagaling at huwag nang problemahin pa ang ibang bagay. Dagdag pa ng ilan, oras na umanong ang kabilang side naman ng story ang aalamin at tao na lamang ang magpapasya kung sinong side ang mas kapani-paniwala.

 

( Hide )
  1. Palabas lang iyan..lahat naman may binabago..kahit sino..para gumanda..oo nakaalis na ang mga marcos sa malacaƱang..pero ang mga pilipino nagssira sa malacaƱang ninakawan..sinunog ang mga painting binaboy ang malacaƱang..ng ok na panahon..open kunwari ang malacaƱang..makakapasok ka..pasyal..ilang buwan lang iyun..tapos hindi na..

    TumugonBurahin
  2. Kikarma na ang mga Pamilya ne Ninoy (fakehero) una c Cory sunod c pnoy Abnoy ngayon nman c KristetayšŸ‘ŽšŸ¾

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo