Maja Salvador Pinagmukha Nga Bang Back Up Dancer Si Anne Curtis?

Huwebes, Hulyo 14, 2022

/ by Lovely

Huwag sanang gatungan, ngunit may kontrobersiya na maaring sumulpot sa pagitan nina Anne Curtis at Maja Salvador dahil sa costume.

Sa Instagram ay ibinalandra ni Maja ang photoshoot niya para sa grand finals ng Eat Bulaga 'Dancing Queen' na magaganap sa Sabado. Sa nasabing larawan makikita na nakasuot ng jump suit si Maja kasama ang dalawa niyang back up dancer. Mapapansin na ang tabas ng damit at design ng dalawang back up dancers ay hawig sa costume ni Anne sa comeback concert niyang Love Anne.



Ganito rin ang tema ng sinuot na design ni Anne sa kanyang promo pictorial. Magkaiba nga lang ng kulay. Lumalabas na ang pinaka-edgy outfit ni Anne para sa kanyang concert ay pang back up dancers lamang ni Maja.

Pinag-usapan at hinangaan si Anne sa nasabing outfit na ngayon ay pangback- up lamang ni Maja. Tila ipinapalabas na parang back up dancer lamang ni Maja si Anne.



Ngunit tila hindi naman ito sinadya di ba? Dahil sa magkatapat ang kanilang show tila nangangamoy bardagulan!

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo