"Why God? Ano po ba ang plano niyo sa akin?," ito ang naging tanong ng Kapuso actor na si Mark Herras matapos ang sunod-sunod na pagdating ng mga pagsubok na hinaharap niya sa buhay.
Inamin ng aktor na nakaranas rin siya ng matinding depression noong punamaw ang kanyang tatay at nanay. Pati na rin ang tiyuhing malapit sa kanya ay pumanaw na rin. Noong panahong iyon, inakala ng aktor na wala nang kwenta ang kanyang buhay kaya na-question niya ang plano ng Diyos.
Nagsunod-sunod umano ang pagkawala ng mga mahal niya sa buhay. Kaya hindi umano siya nakapagluksa ng maayos dahil kakamatay pa lamang ng kanyang Daddy, sumunod naman ang kanyang Mommy at after six months namatay naman ang Tito niya.
Inamin din ni Mark na inatake siya ng matinding depression. Feeling umano ng aktor na wala nang direksyon ang kanyang buhay. Kaya nawala na sa kanyang isip ang kanyang kinabukasan at wala ng pakialam sa paggasto ng mga kita niya.
Samantala, labis naman ang pasasalamat ni Mark nang dumating sa buhay niya ang asawang si Nicole at ang anak nilang si Corky. Dahil sa kanila natuto umano si Mark kung paano maging responsableng ama at mabuting asawa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!