May GIyera Ba? Led Billboard Ni President-Elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr, Watawat, Baligtad

Sabado, Hulyo 9, 2022

/ by Sparkle

 

Nakapukaw ng pansin sa isang netizen ang LED billboard sa kahabaan ng EDSA na pinapakita si President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ang napansin ng netizen ay hindi ang mukha ni Marcos, kundi ang background nito na watawat ng Pilipinas.

Baligtad kasi ito.

Makikita sa video na sa watawat na nasa LED, ang kulay pulang bahagi ay nasa kaliwa.

Ayon sa Flag and Heraldic Code of the Philippines, kapag pinosisyon ang bandila ng Pilipinas nang patayo, ang asul dapat ang nasa kaliwa at ang pula ang nasa kanan.

Nakasaad sa batas na kung ang pula ay nasa kaliwa, nangangahulugan ito na ang bansa ay nasa digmaan. Ang pula ay simbolo ng katapangan habang kapayapaan naman ang asul, sa watawat ng Pilipinas.

Anong masasabi mo sa balitang ito?

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo