Pinag-uusapa ngayon ang pagsali ni Ryssi Avila sa Idol Philippines. Hindi lamang ito nagpakitang gilas sa nasabing singing contest. May inilabas rin siyang matinding rebelasyon ukol sa umano'y pagkakadawit niya sa hiwalayang Skusta Clee at Zeinab Harake.
Ayon kay Ricci, nadawit lamang siya sa issue ng couple na sina Zeinab at Skusta noon. Inamin din niya na maraming bawal at insecurities noon magkarelasyon sila ni Concon Felix.
Tila hindi naman nagustuhan ni Concon ang pagkakadawit sa kanyang pangalan. Sana kumanta na lamang umano ito at hindi na nandamay ng iba.
"Nadawit ka lang sa issue? Wait. Nakalimutan mo na ba lahat ng ginawa mo non? Sana chinika mo sa kanila kung ano yung totoo.
Anyways, magaling ka talaga kumanta do mapagkakaila pero sana kumanta ka nalang. Wag ka na mandamay ng iba."
Sa comment section naman ng isang page na nag-upload ng panayam ni Ryssi, muling nagpatutsada si Concon Felix. Aniya, "Ay kabog may paslideshow."
Sinundan naman niya ito ng isa pang komento. "Bet ko 'yung may pa name drop pa."
Samantala, nananatili pa ring tahimik ang dalawang pang personalidad na idinawit ni Ryssi na sina Skusta Clee at Zeinab Harake.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!