Nadine Lustre, Kaya Nasabing Napakaswerte!

Martes, Hulyo 12, 2022

/ by Lovely

Tila bukas na ang aktres na mapag-usapan ang tungkol sa kanyang bagong boyfriend na si Christophe Bariou.

Sa interview sa kanya ni Boy Abunda, sinagot niya ang mga tanong nito tungkol sa kanyang love life. Nabanggit din ni Nadine na komportable na rin ang boyfriend niya na biglang tila naging celebrity na rin.

Ayon kay Nadine, ang kanyang boyfriend ay half French at half Filipino. Eight years na umano itong naninirahan sa Siargao, mula nang makabili ng lupa ang ama nito roon. May mga ari-arian at private villa umano si Chris sa  Siargao na maaring rentahan.



Paglalarawan pa ng aktres sa place nito, may spot umano na magmemeet ang ilog at dagat.

Nagkakilala umano silang dalawa sa pamamagitan ng isang common friend. Nang tanungin naman kung ano ang first impression niya sa binata ay nasabi niya na, sweet umano ito. Sabay tawa at halatang kinikilig.

Napakaswerte umano ni Nadine ayon sa mga netizens dahil napakayaman, gwapo at sweet ng kanyang boyfriend.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo