Nagsagutan Sa Social Media Sina Darryl Yap at Rowena Guanzon!

Miyerkules, Hulyo 13, 2022

/ by Lovely

Mukhang kasali na rin sa bardagulan nina Representative Rowena Guanzon at Ruffa Gutierrez ang direktor na si Darryl Yap.

Tila nagpasaring kasi sa direktor ang dating COMELEC Commissioner sa kanyang Twitter post kahapon. Ayon dito, "You can call me Bruneiyuki or a whore, bitch, but if you call me damatands I will call you a pedophile. #bardagulan"

Matatandaan na nagviral ang mensahe ng direktor kay Ruffa sa gitna ng kinakaharap nitong isyu. Ani ng Direktor, handa siyang tulungan si Ruffa at gagawa ng  content tungkol sa kinasasangkutan nitong isyu na nagsimula sa Tweet ni Cong. Guanzon.

Pinayuhan din nito ang aktres na huwag na lamang pansinin si Guanzon dahil matanda na umano ito. Kaya naman muling sumagot si Guanzon at tila si Direk Darryl Yap naman ang puntirya nito.



Matatandaang may lumabas na isyu noon tungkol kay Darryl Yap nang may isang nagbahagi ng screenshot ng umano'y convo nila ng direktor. Ayon dito 16 years old pa lamang siya ng i-groom siya ni Darryl.

Ang child grooming ay isang proseso upang ma-stablished ang emotional attachment o ang koneksyon nila sa pagitan nila ng kanyang biktima. Agad naman itong pinabulaanan ng Direktor at sinabing edited ang ilang mga screenshots na kumakalat.

Samantala, sinagot ni Direk Darryl ang pasaring sa kanya ni Cong. Guanzon sa Facebook page ng VinCentimens.

"I will call you whatever I want to call you. And I have to call you many times, baka hindi mo marinig dahil gurang ka na."

Ayon pa sa isang post ni Darryl, totoo namang matanda na ito ngunit ang isyu ng pedophile ay walang katotohanan. Bakit ayaw umano nitong matawag na matanda na totoo namang may edad na ito.

Mukhang sa tunggaliang Ruffa Gutierrez at Rowena Guanzon marami na ang nadadamay.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo