Laman ng mga balita ngayon at pinag-uusapan ang panukalang palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport at gawing Ferdinand Marcos Airport.
Ayon sa isang mambabatas, dapat lamang umano na ipangalan kay Ferdinand Marcos ang NAIA dahil naipatayo ito noong panahon ng panunungkulan nito bilang Pangulo ng bansa.
Si Ferdinand Marcos Sr. ay nanungkulan bilang pangulo ng Pilipinas mula 1965 hanggang 1986. Sa bisa ng Republic Act 6639 noong 1987, ang Manila Internaftional Airport (MIA) ay naging Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang pag-alala sa Dating Senador Ninoy Aquino Sr. na pinaslang sa nasabing paliparan noong August 21, 1983.
Nang mabalitaan umano ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang pagpapapalit ng pangalan ng NAIA, nagalit umano ito at tumaas ang blood pressure at hindi umano sang-ayon sa nasabing panukala.
Ayon pa umano rito, sana umano ay iisiping mabuti ang mga nagawa ng kanyang mga magulang para sa bansa. Bayani umano kung maituturing ang kanyang mga magulang, lalong-lalo na ang kanyang inang si Cory Aquino na tinaguriang ina ng demokrasya. Utang umano ng lahat ng Pilipino ang tinatamasang demokrasya sa kanyang ina.
Kahit ilang dekada man umano ang makakalipas sana'y huwag umano nating kakalimutan ang mga nagawang kabutihan ng kanyang mga magulang para sa Pilipinas. Kagaya na lamang umano ng pagbubuwis ng buhay ng kanyang ama para sa bansang Pilipinas.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!