Nakakaawa! Kris Aquino at Mga Anak Na Si Joshua at Bimby Nagpositibo Sa Sikat Na Sakit Sa Amerika

Biyernes, Hulyo 1, 2022

/ by Lovely

Matapos ang ilang linggong pananahimik sa social media, nagbigay ng update ukol sa kanyang kalusugan si Kris Aquino. Sa kanyang Instagram post kamakailan lamang, inamin niya na nagpositibo sila sa Covid-19.

Sa mga oras na iyon, natutulog umano siya sa kanyang kwarto, ginising siya ng nurse para sabihing nagpositive ang anak. Nung una'y hindi pa umano naintindihan ni Kris ang sinasabi nito. Hanggang dumating ang kanyang bunsong anak na si Bimb at sinabing magsuot siya ng facemask.

Agad na umalis sina Titay at Bimby sa kanyang tinutuluyang bahay at pansamantalang iniwan si Kuya Josh sa pangangalaga ng mga nurse.



"My instinct is to go and hug Kuya but everyone told me I needed to leave immediately and move to a hotel because I was severely immuno-compromised and being positive would mean bad for me."

Ikinatakot din niya ang lagay ng bunso dahil ashmatic ito.

"It was hearbreaking to leave kuya. I feel I was abandoning him in time of need," malungkot na sabi ni Kris.

Nagtake rin ng PCR test sina Kris at Bimby para masiguro ang kanilang kalagayan. Sa initial test negative ang resulta ngunit makalipas ang ilang araw ay sumama ang pakiramdam ni Kris.

Sa ngayon ay patuloy na nagpapagaling ang mag-iina sa Covid-19.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo