Nakakaawa! Willie Revillame Naging Emosyonal Ng Makita Ang Itsura Ni Kris Aquino Sa Ospital

Huwebes, Hulyo 14, 2022

/ by Lovely

Sa kalagayan ngayon ng Queen of all Media na si Kris Aquino hindi maiwasan na magbigay ng komento ang mga tagasuporta nito. Nagdadasal sila para sa agarang paggaling at panunumbalik ng lakas ni Kris.

Nakakaawa ang kasalukuyang kalagayan ni Kris dahil matatandaang, sinabi ni Cristy Fermin na pumalpak ang gamutan ni Kris sa Houston, Texas. Kaya naman muling naghahanap ng bagong ospital si Kris para makalipat kaagad.

Dagdag pa ni Cristy Fermin nakasama kay Kris ang pagpositibo nito sa sikat na sakit.



Samantala, marami sa mga kaibigan ni Kris sa industriya ang labis na nag-aalala at naaawa sa kasalukuyang kalagayan nito. Naging emosyonal umano si Willie Revillame nang malamang pumalpak ang gamutan ni Kris at nang makita niya ang payat na katawan nito na tila hirap na hirap na sa nararamdamang sakit.

Hindi lubos akalain ni Wilie Revillame na sasapitin ito ng kanyang kaibigan. Labis siyang naaawa sa dalawang anak ni Kris na sina Joshua at Bimby. Alam naman ng lahat na malapit si Joshua kay Willie Revillame at isa si Willie sa itinuturing pinakamalapit na kaibigan ni Kris Aquino.

Humihiling ngayon si Willie Revillame na sama-samang ipagdasal ang kalagayan ni Kris. Sana ay gumaling na ito at bumalik ang dating sigla. Hiling din ng pamilya ni Kris na itigil na ang paninira rito at ipagdasal na lamang ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo