Nakakadurog! Kris Aquino Pinasalamatan Si James Sa Ibinigay Na Mensahe Nito Sa Kanya at Kay Bimby

Martes, Hulyo 5, 2022

/ by Lovely

Maraming mga netizens ngayon ang naaawa sa kalagayan ng Queen of All Media na si Kris Aquino. Sobrang payat na ni Kris Aquino sa kanyang Instagram post at makikita rin sa kanyang mga mata ang hirap na kanyang dinaranas sa kanyang sakit ngayon.

Matatandaang nagsunod-sunod ang problema ng mga Aquino dahil ayon sa kanyang Instagram post, nagpositibo silang mag-iina sa Covid-19.



Sa ngayon ay patuloy na nagpapagaling ang mag-iina. Sa sulat ni Kris para sa namayapang kapatid na si Dating President Noynoy Aquino, naniniwala si Kris na hindi pahihintulutan ng kapatid na may masamang mangyari sa kanyang mag-iina.

Mensahe naman ni Kris sa kanyang mga tagasuporta, "This is not a permanent goodbye, ibalato niyo nalang hanggang malampasan namin itong pagsubok.

Samantala, maraming mga netizens na nagtatanong kung sumusuporta ba ang mga ama ng mga anak ni Kris, tulad ng ama ni Bimby na si James Yap. Tila wala kasing balita kung may communication ang mag-aama.

Nilinaw naman ni Cristy Fermin sa kanyang Youtube channel, na sa katunayan ng malaman umano ni James Yap na nagpositibo sa Covid-19 ang mag-ina agad itong tumawag upang kumustahin ang kalagayan ng anak.

Ayon naman sa ilang mga netizens, na tiyak nagpapasalamat si Kris dahil inaalala ni James ang kalagayan ng kanilang anak na si Bimby.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo