Sobrang hirap ng pinagdadaanan ngayon ng Queen of all Media na si Kris Aquino mataps niyang magbigay ng update sa kanyang Instagram. Makikita sa nasabing update ang labis na pagpayat ni Kris at tila hirap na hirap na sa kanyang nararamdamang sakit.
Dumagdag pa nang magpositive silang mag-iina sa Covid-19. Labis na nag-alala si Kris sa kanyang panganay na anak dahil ito ang unang tinamaan ng nasabing sakit. Kasalukuyang nasa America ang mag-iina kaya naman ayon kay Cristy Fermin, hindi naiwasang mag-alala ni Philip Salvador sa kanyang anak.
Agad umano itong tumawag sa anak at kinumusta kung ano na ang kalagayan nito.
Samantala, kapansin-pansin rin ang pagpayat ni Kris. Ngunit may mga netizens na napili pang maging nega. Sa halip na ipagdasal ito ay binatikos pa si Kris dahil sa suot nitong pearl necklace. May nakapagsabi kasi kay Kris na isang Fengsui expert na ang perlas ay isang panlaban sa sakit at mga negativity sa buhay.
Ayon naman kay Cristy Fermin, ang pearl umano ang jewelry na buhay kaya ito lang pwede sa ating katawan. Dahil naniniwala dito si Kris kaya lagi siyang may suot na pearl jewelry araw-araw.
Hiling naman ng kanyang mga tagasuporta na malampasan na nila ang pagsubok na pinagdadaanan nila ngayon. Nangako naman si Kris na kakayanin niya ang kanyang sakit alang-alang sa dalawa niyang anak.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!