Nakakagulat! Ellen Adarna Hindi Pinalampas Ang Mga Babaeng Nagme-message Kay Derek Ramsay!

Huwebes, Hulyo 7, 2022

/ by Lovely

Hindi na bago sa sexy actress na si Ellen Adarna ang sumagot ng ilang mga katanungan tungkol sa kanya at maging sa kanyang personal na buhay.

Sa kanyang social media account, laging game ang actress na sagutin ang mga katanungan sa kanya ng kanyang mga solid followers. Kaya naman, lalo siyang nagugustuhan ng mga ito.

Kamakailan lamang, sa naging Instagram stories ni Ellen Adarna, habang busy ang kanyang asawang si Derek Ramsay sa paglalaro ng Golf. Sinagot muli ng aktres ang mga katanungan ng kanyang mga followers.

Isa sa mga tanong ng kanyang mga followers ay tungkol sa mga babaeng patuloy na nagme-message sa kanyang asawa. Matapang namang sinagot ng aktres ang katanungan at tila hindi pinalampas ang mga babaeng patuloy na nagse-send ng message sa kanyang asawa.



Ayon kay Ellen, mayroon pa rin talagang mga babaeng nagpapadala ng message sa kanyang asawa. Ngunit, pinagtatawanan na lamang umano niya ito. Very honest naman umano sa kanya ang kanyang asawa.

Sa katunayan, sa bawat messages umanong natatanggap nito mula sa ibang babae, agad umano nitong pinapakita kay Ellen. Parang naging entertainment na lamang umano nilang mag-asawa ang pagbabasa ng mga mensahe ng mga babaeng ito.

Samantala, ayon mismo kay Ellen, hindi na siya naiinis sa mga babaeng patuloy na nagpapapansin sa kanyang asawa. Mataas kasi umano ang kumpyansa niya na hindi siya ipagpapalit nito at alam niyang maganda siya.

Ayon pa kay Ellen, hindi na umano siya nati-trigger sa mga ito ngayon lalo na kapag nakikita niya ang larawan ng mga ito na hindi naman kagandahan. Tapos ang lakas ng loob na magmessage sa kanyang asawa.

Ikinatuwa naman ng mga netizens ang kaprangkahan sa pagsagot ni Ellen Adarna. Makikita rin ang katatagan ng kanilang relasyon ni Derek Ramsay.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo