Nakakagulat! Pauleen Luna May Inamin Tungkol Sa Relasyon Nila Ni Vic Sotto!

Huwebes, Hulyo 14, 2022

/ by Lovely

Hinahangaan at masasabing couple goal ang pagsasama ng mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto. Sa isang exclusive interview kay Pauleen Luna, inamin ni Pauleen ang pagiging hands on niya sa asawang si Vic Sotto at sa kanilang anak.

Ayon kay Pauleen, minimal na lamang ang trabaho niya sa harap ng kamera dahil mas focus siya sa pagiging plain housewife and mom. Mas okay umano sa kanya ang set up nila ngayon lalo na't nakaka-focus siya sa kanyang mag-ama.

Sa gitna ng nasabing interview makikita ang pagiging masaya ni Pauleen sa kanyang buhay may pamilya kasama si Vic Sotto at ng kanilang anak.

Sa kabila ng pagiging masaya ng kanilang pamilya, may inami rin si Pauleen Luna tungkol sa pagsasama nila ni Vic Sotto. Ayon sa kanya, bago nila narating ang ganitong estado sa kanilang relasyon, hindi naging madali ang pagsisimula ng kanilang pagmamahalan.



Alam naman ng lahat ang agwat ng mga edad nila. Kaya naman nakatanggap sila ng mga negatibong komento mula sa mga netizens at tila hindi tanggap ang pagkakaroon nila ng relasyon. Inamin ni Pauleen na napakahirap sa umpisa lalo na't marami ang kumwestiyon noon sa kanilang pagsasama.

May mga isyu ring lumabas na namemera lamang si Pauleen kay Vic Sotto. Mahirap man sa umpisa, hindi sila pinanhinaan ng loob at pinabayaan na lamang ang mga isyu. Ang mga negatibong sinasabi umano ng tao sa kanila, ay kanilang ginamit upang lalong pagtibayin ang kanilang pagsasama. Ang mas mahalaga ay naniniwala sila sa pagmamahal na ibinibigay nila para sa isa't-isa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo