Angel Locsin humihingi ng dasal sa paghihirap na dinaranas ni Kris Aquino sa sakit nito.
Sa nakaraang update ni Kris marami ang mga pamilya at mga kaibigan ang nalungkot sa videong ibinahagi niya sa kanyang Instagram account. Makikita sa video ang payat na payat na Kris Aquino na malayo sa kanyang dating itsura.
Dinagdagan pa ito nang magpositive si Kris at mga anak nito sa Covid-19. Kaya naman hindi naiwasan ni Angel Locsin na mag-alala sa kanyang kaibigan at itinuturing nang ate na si Kris Aquino at sa mga anak nito.
Awang-awa umano si Angel at hindi napigilang mapaiyak sa kalagayan ng kalusugan ng kaibigan. Tila hirap na hrap na umano si Kris sa kanyang kalagayan. Ngunit naniniwala umano si Angel Locsin na malampasan ito ni Kris dahil naniniwala siya sa katapangan ni Kris at alam niyang hindi ito basta-basta nagpapatalo.
Humihiling naman si Angel na ipagdasal si Kris upang tuluyang gumaling ito at sana'y tigilan na umano ang pagkokomento ng masama laban dito.
Marami pang pagdadaanan si Kris sa kanyang pagpapagamot sa Amerika at aabot pa ito ng mahigit isang taon doon. Kaya hindi ito kaagad nabibisita ni Angel at nang kanyang buong pamilya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!