Monday ng umaga, July 4, 2022 masayang ibinahagi ni Solenn Heusaff sa pamamagitan ng kanyang IG story ang isang larawan na ipinapakita ang maliit pa niyang baby bump. Nakalagay sa caption, "Hello 16 weeks." Pagpapahayag na siya ay nasa 4th month ng kanyang pregnancy.
Mapapansin naman ang ilang pasa sa bandang puson niya, marka ng mga injections sanhi ng kanyang condition.
"Back to daily injections for bub number 2," ayon kay Solenn.
Sabi pa ni Solenn na maligaya siya dahil sa pagkakataong ito ay nagagawa na niya ang magwork out during her pregnancy.
Samantala, ang husband naman niyang si Nico, inanounce ang kanilang pregnancy sa pamamagitan ng Instagram reel. Nag-upload si Nico ng isang video kung saan siya nagpapakita ng bagong x-ray application. Nang subukan niya ito kay Solenn, nakita ang isang sanggol sa tiyan nito.
Dumagsa naman kaagad ang mga pagbati mula sa kanilang mga kaibigan at followers.
Sina Nico at Solenn at ikinasal noong May 2016 sa France. Sila ay nagkaroon ng relasyon mula noong 2011. Sila ay mayroong isang anak na babae na isinilang noong January 2020.
Ngayong madadagdagan na ng bagong myembro ang pamilya nila, marami ang masaya dahil paniguradong mas sasaya pa ang kanilang pamilya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!