Kamakailan lamang naging usapin online ang aktres na si Ella Cruz. Ito'y matapos siyang maglabas ng opinyon tungkol sa sariling saloobin sa history.
Matatandaang sagot ng aktres, ang history ay unang naging tsismis bago naging kasaysayan.
Umani naman kaagad ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang pahayag na ito ng aktres. Saad ng mga netizens, hindi lamang ganun kababa ang pagkuha ng history.
Dahil sa pagtrending ng aktres, nakisawsaw na rin ang self-proclaimed marites na si Xian Gaza. Ang pakikisawsaw diumanong ito ni Xian ay hango sa history nila ni Ella.
Narito ang open letter ni Xian Gaza para kay Ella Cruz,
Matapos ang pagbabahagi ni Xian Gaza sa nasabing open letter, sinundan niya ito ng mga post ng larawan ni Ella noong 2016 kalakip ang caption na 'history'.
Sa sunod namang post ni Xian sinabi niyang sobrang bait ni Ella sa kanya. Ang ina lamang umano nito ang naging problema. Ayon mismo kay Xian, masama ang ugali ng ina ni Ella Cruz.
"PHILIPPINE HISTORY: Honestly, wala namang problema sa kanya. Sobrang bait niya pati na ang kanyang ama. Napakabait din ng kanyang mga kapatid. Yung mga ibinigay ko sa kanya at sa pamilya nila ay kusang-loob lahat out of my pagmamahal. Wala silang hiningi maski isa. Yung nanay ang masama ugali. Siya ang tumawag sa aking stalker at scammer noong July 5, 2017 kaya nasira ako sa buong Pilipinas. Five years later, napakaganda ng estado ko sa buhay. Yung nanay niya ay stressed na stressed pa rin sa pera matapos niya gawing source of income yung sarili niyang anak for more than a decade. Ganyan talaga kapag masama ugali ng isang tao, yung blessings ay hindi dumadaloy ng maayos."
Dahil sa mga pahayag ni Ella Cruz patungkol sa history, marami tuloy ang nambabash sa kanya. Maging ang saradong kabanata ng kanyang buhay muling nabuksan ngayon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!