Naku! Mr. Nawat Sinisiguradong Hindi Mananalo Si Herlene Sakaling Hindi Na Ma E-renew Ang MGI!

Lunes, Hulyo 4, 2022

/ by Lovely

Kamakailan lamang ay dumating sa Pilipinas ang National Director at nagmamay-ari ng Miss Grand International na si Mr. Nawat upang suportahan ang nalalapit na Bb. Pilipinas Grand Coronation Night na gaganapin ngayong buwan ng Hulyo.

Matatandaang, makikita sa Instagram post ni Mr. Nawat na tanging si Herlene Budol lamang ang kanyang ipinost sa kabila ng mga naggagandahang mga kandidata. Tila si Herlene lamang ang nakikita ni Mr. Nawat na tanging special.

May mga nagsasabi na mga pageants  expert analysts na napakagandang sign umano nito na malapit ang loob niya sa naturang kandidata. Malaki umano ang tyansang manalo ni Herlene bilang Miss Grand International at masungkit sa kauna-unahang pagkakataon ang korona ng MGI.

Ngunit may mga nagsasabi rin na unfair naman din umano ito sa ibang mga kandidata ag ipinapakitang favoritism ni Mr. Nawat. Saad pa nila, baka pakulo lamang umano ito ni Mr. Nawat upang mapansin at umingay ang kanyang pageant. Baka umano'y gamitin lamang nito si Herlene Budol para mapromote ang Miss Grand International.

Matatandaang ilang taon na rin ang lumipas na sinayang lamang ni Mr. Nawat ang ipinapadalang pambato ng Pinas sa Thailand, sa kanyang pageant. Kahit deserve na deserve na nitong manalo at masungkit ang korona ay bigo pa rin. Kaya naman, tila dismayado ang ilang mga Pilipino sa Miss Grand International pageant.



Samantala, alam naman ng lahat na pangarap ni Herlene ang makuha at maiuwi ang kauna-unahang korona ng Miss Grand International sa Pilipinas na pagmamay-ari naman ni Mr. Nawat. May mga bulong-bulungan rin na kung sakaling hindi i-renew ni Madame Stella Araneta ang franchise ng Miss Grand International, sinisigurado umano ni Mr. Nawat na hindi papanaluhin ang pambato natin sa nasabing pageant.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo