Ngayon pa lamang ay tila sigurado na ang patutunguhan ng tambalang FranSeth o Francine Diaz at Seth Fedelin. Ngayon pa lamang humakot na ng ilang libong fans ang nasabing love team.
Tila burado na ang loveteam nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin na tinatawag naman ng mga fans bilang SethDrea loveteam dahil tila mas marami ang nakakagusto sa FranSeth loveteam.
Makikita ang charisma ng FranSeth sa mga ipinost na larawan ni Seth sa Instagram. Magkayakap ang dalawa at may kuha pang sobrang magkalapit ng kanilang mga mukha. Kuha ang mga larawan sa ginagawa nilang bagong serye.
Wala pang isang araw mula nang ipost ito ni Seth, umani na ng libo-libong likes at comments. Kinikilig ang mga followers at netizens sa dalawa.
Habang abala si Andrea sa boyfriend na si Ricci Rivero at pagpapa-sexy sa social media, abala naman ang FranSeth sa trabaho at pangangalap ng maraming fans.
Tila mahihirapan na si Andrea na habulin si Francine. Nagsisimula pa lang sa kanyang sweet image si Francine samantalang pa mature role na ang posibleng patunguhan ng karera ni Andrea.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!