Nagsalita na si Anabelle Rama at ipinagtanggol ang anak na si Ruffa Gutierrez laban sa mga pambabatikos ni Cong. Rowena Guanzon.
Hindi na nakapagpigil si Anabelle Rama at nagtweet ng tila pasaring para sa dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon. Tinawag ito ni Anabelle bilang isang chismosang marites, parang CCTV at papansin. Kaugnay ito sa mga hanash ni Cong. Rowena Guanzon tungkol sa doumano'y pagpapalayas ni Ruffa Gutierrez sa dalawa nitong kasambahay at hindi pa ibinigay sa mga ito ang kanilang sweldo.
Kwento pa ni Guanzo, nag-oover work din umano ang mga ito sa dalawang linggong paninilbihan nila sa bahay ni Ruffa. Hindi din umano maayos ang pagpapaalis sa mga ito kung saan, inihatid ng mga security guard sa labas ng gate sa subdivision ng dis oras ng gabi.
Dagdag pa ni Guanzon na hiningan lamang siya ng tulong ng mga kamag-anak ng dalawang kasambahay. Dahil kababayan, tinulungan niya ang mga ito.
Mariin namang itinanggi ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang mga paratang ng Congresswoman. Ayon dito, kusa umanong umalis ang mga kasambahay at ang mga ito rin ang nagsimula ng gulo sa kanilang bahay. Inaaway umano ng mga ito ang iba pa nilang kasambahay at ang kanilang senior citizen na Mayordoma.
Samantala, ngayong araw July 11 nagsalita na ang ina ni Ruffa na si Anabelle Rama at tila may patama kay Cong. Rowena Guanzon.
"Hoy Day!! Pwede na huwag kang maging chismosang marites?? Kung magkwento ka akala mo CCTV ka ni Ruffa! Mind your own business! Ayusin mo nalang kaso mo. Baka gusto mong mapasali sa Maid in Malacanang kaya ka nagpapapansin?," tweet ni Anabelle.
Maraming mga netizens ang natuwa sa pagpatol ni Anabelle Rama kay Cong. Guanzon. Tila nakahanap na umano ng katapat ang kontrobersiyal na dating Commissioner.
Samantala, may ilang mga netizens ang kinatuwaan pa ang tila sagutang ito may mga pumupusta umano kay Anabelle ang iba namay sa Kongresista. May mga nagsasabi namang mga netizens na napaka plastic umano ni Rowena dahil biglang nagbago ito nang manalo si BBM gayung labis niya itong binabastos noon.
Matandang maritess papansin si Ngiwi Para sumikat
TumugonBurahinang daming may problemang kasambahay.bakit iyong 2 lang na galing kay ms.ruffa ang pinansin.
TumugonBurahiniyong galit at ingit kay mdme.i.m. ni ibinato kay ruffa sahil siya gumanap na mdme.i.m.