Lorna Tolentino, nawala ang iniindang sakit matapos magpa Stem Cell. Blooming at napakaganda na humarap sa media sa katatapos ng tatlong grand press launch ng tatlong bagong shows ng TV5 last tuesday ng gabi.
Lorna Tolentino, fresh from Germany kung saan ito nag-undergo ng Stem Cell Therapy. Kaya naman dinumog ito ng mga reporters upang alamin kung ano ang naging resulta ng kanyang pagpapastem cell, na sinagot naman ng aktres.
Ayon kay Lorna, nawala instantly ang kanyang back pains after magpa-stem cell. Chika pa nito, na kaya raw na enganyo siyang i-try ang stem cell ay dahil na rin sa magagandang naririnig niya mula sa mga taong sumubok nito. Kung saan gumaan ang kanilang pakiramdam at nawala ang kanilang iniindang sakit.
Inamin din nito na may matagal na siyang iniindang sakit kaya napili nitong sumailalim sa ganitong procedure. Mayroon umano siyang vertigo at iba pang mga sakit na nararamdaman.
Kwento pa nito, four days silang nag-stay sa hospital kung saan unang araw ay iniinterview umano muna siya patungkol sa kanyang health history at nang sumunod na araw ay ang mismong procedure na, kung saan tinurukan umano siya ng 10 injections.
Ikatlong araw, ay buong araw siyang nasa kama at nagpapahinga. Noong ikaapat na araw ay okay na siya at pwede ng lumabas ng hospital. Dito naramdaman na umano ni Lorna ang malaking pagbabago sa kanyang katawan. Sumigla umano siya at nawala ang mga iniindang sakit.
Balak umano niyang irekomenda sa kanyang pinsang si Zsa Zsa Padilla ang pagpapa Stem Cell Therapy.
Tigilan u na ka invento sa katawan u baka matulad kayo sa akin maaga nagwakas ang kinabukasan ko dahil sa sakit na iniinda.sa america ako nag pagamot lalo napasama ang kalosugan ko.tinigilan ko lahat na gamot at nagtiis sa awa ng dios buhay pa ako.panalangin nlang ang kailangan natin
TumugonBurahinThis content is fantastic because it provides some excellent information that will prove quite helpful to me in the future. Thanks for sharing this How Stem Cell Therapy Works. Please continue to uphold.
TumugonBurahinThis content is fantastic because it provides some excellent information that will prove quite helpful to me in the future. Thanks for sharing this AMREGEN Stem Cells. Please continue to uphold.
TumugonBurahin