Omg! Ang Mahal Pala Ng Long Gown Na Susuotin Ni Herlene Budol Para Sa Coronation Night!

Biyernes, Hulyo 22, 2022

/ by Lovely

Isa si Herlene Budol sa mga kandidata sa  Bb. Pilipinas na inaabangan ng lahat. Mula sa Preliminary hanggang sa kasalukuyan makikita kung gaano siya nagsikap. Napakalaki na rin ng improvement ni Hipon Girl.

Isa siya sa mga hinahangaan ng mga netizens dahil sa kanyang matinding pagsusumikap upang marating ang kanyang pinapangarap na makasali sa National pageant.

Ngayon, naku-curious naman ang lahat kung ano ang susuotin ni Herlene para sa kanyang long gown competition. Matatandaan na nagtrending ang naging National Costume ni Herlene. Napakalaki at napaka-unique kasi nito. Hinango ito mula sa Higante Festival na umabot ang halagang 300 thousand pesos.

Samantala, napag-usapan nina Herlene at Mama Loi kung magkano ang magagastus para sa long gown ni Herlene Budol. Ayon sa manager ni Herlene na si Wilbert Tolentino,  triple ang presyo ng susuoting gown ni Herlene kaysa sa kanyang National Costume. Kaya naman kung susumahin aabot ng 900,000 ang presyo ng susuoting gown ni Herlene.



Bawal pang magbigay ng detalye tungkol sa magiging hitsura ng long gown ni Herlene o kung ano ang kulay nito. Ngunit, ayon kay Herlene, si Rian Fernandez ang gumawa ng kanyang gown. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo