Ilang buwan nang napapabalita ang diumano'y hiwalayan sa pagitan ng komedyanteng si Pokwang at ng American partner nito na si Lee O'brian. Maraming lumabas na balita tungkol dito. Subalit, walang narinig mula sa dalawang panig.
Hindi ito nabigyan ng linaw at walang nagsalita sa kanilang dalawa tungkol sa estado ng kanilang relasyon. Kaya samu't-saring haka-haka na lumabas tungkol sa kanilang relasyon.
Matatandaan na noong nakaraang taon, nagbabala si Pokwang sa mga taong nagpapakalat ng maling tungkol sa pagsasama nila ni Lee. Sinabi nito na hindi niya babaliwalain ang pagiging biktima niya ng maling balita.
Samantala. noong 2021 pa hiwalay sina Pokwang at ang live in partner nitong si Lee. Matatandaang, 2015 nagkaroon ng relasyon sina Pokwang at Lee na nagkakilala sa pelikula noong 2014. Isa sa mga cast si Lee sa pinabidahang pelikula ng comedian.
Unang napansin na tila hiwalay na ang dalawa nang hindi na kasama ni Pokwang sa mga label ng mga panindang produkto at kamakailan naglaunch ulit ang aktres ng bagong label na solo na niya.
Sa showbiz update nina Ogie Diaz at Mama Loi, inamin ng una na matagal na niyang alam na hiwalay na ang dalawa. Kaya lang ayaw niyang pangunahan ang dalawa at hintayin na lamang kung kailan handa nang magkwento ni Pokwang.
Ayon kay Ogie, "Last November 2021 pa ay wala na at hiwalay na si Pokwang at si Lee O'brian. Kaya si Lee ngayon ay nag-iisa na lang sa kanilang bahay. Nakatagda nang umuwi si Lee sa US."
Hirit naman ni Mama Loi, "Tanong ng lahat kung ano ang nangyari?"
"Sa totoo lang masalimoot eh. Ang sinabi lang ni Pokwang na hindi sila maggalit noong naghiwalay sila ni Papang Lee," kwento ni Lee.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!