Naaksidente si Oyo Sotto sa bike noong nakaraang linggo. Ibinahagi nito sa kanyang Instagram post na sumailalim siya sa isang surgery dahil sa aksidente.
Pinasalamatan ni Oyo ang Panginoon, sunod naman ang kanyang asawang si Kristine Hermosa sa pag-aalaga umano nito sa kanya. Maging ang kanyang mga doktor ay hindi niya nakalimutang pasalamatan.
"God is good! Surgery (Arthroscopic AC joint reconstruction) done! Had a bike accident last week that led to this. Lord Jesus, maraming salamat, You’re the best, I love you! To my wife, I love you very much! Thank you for taking care of me. Iba ka talaga. To my doctors, maraming salamat sa inyo. Keep safe everyone and God bless you all. Let’s not forget to thank the Lord in good and especially in bad times."Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na mahilig sa outdoor activity and sports ang pamilya nila Oyo at Kristine. Ilan dito ay ang biking, motor cross, swimming, hiking at iba pa.
Samantala sa mga oras na ito ay nakauwi na sa kanilang bahay si Oyo. Nadatnan niya ang welcome home card na gawa ng kanyang mga anak na labis niyang ikinatuwa.
Bumuhos naman ang mga mensahe ng pagpapagaling para kay Oyo mula sa kanyang mga kaibigan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!