Tiyak na sapul, ito ang nasasabi ngayon ng mga netizens patungkol kay Julia Barretto matapos ang naging pahayag ni Ivana Alawi patungkol sa usaping pang-aagaw ng karelasyon ng iba.
Maaring nagpakatotoo lamang si Ivana sa kanyang pagsagot. Ngunit pagdating kay Julia at tiyak kahihiyan ang maidudulot sa kanya dahil sapul na sapul siya.
Sa naging panayam kay Ivana ay natanong siya tungkol sa kaniyang love life at tungkol sa actor na si Gerald Anderson dahil tila napalapit sila sa isa't-isa bagay na dapat na bang diumano'y kabahan si Julia?
Ang sagot ni Ivana ay nagpa-discourage kay Gerald at nagpahiya naman kay Julia. Kasi pagdating umano sa lalaki ayaw umano ni Ivana ng babaero at manloloko.
Pagdating naman sa pagkakaroon ng karelasyon, matapang na sinabi ni Ivana na hindi umano siya tutulad sa ibang babae na walang respeto sa magkarelasyon. Kasi natatakot siya na mangyari sa kanya ang ginawa niya sa iba.
Matapang na sinabi ni Ivana na hinding hindi siya magnanakaw ng karelasyon ng iba para lang magkaroon siya ng kanya. Marahil sa kadahilanang ayaw niya ng gulo.
Ayon sa ilang netizens ay tiyak na magdudulot ito ng kirot sa puso ni Julia kasi alam naman ng lahat na bago nakarelasyon ni Julia si Gerald ay karelasyon muna ito ng aktres na si Bea Alonzo. In short, inagaw lamang ni Julia si Gerald rito.
Sang-ayon naman ang ilan pang netizens kay Ivana na tama ang sinabi niyang huwag mang-agaw ng karelasyon dahil may karma talagang dumarating sa kahit kanino na gumawa ng masama sa kapwa.
Pagdating naman sa pagpili ng lalaking makakarelasyon, ay tama ring binara na niya agad si Gerald. Kasi halatang parang gumagawa ito ng paraan para mahulog ang loob ni Ivana. Sa pamamagitan ng pagpapa-impress nito na kunwari mabait at concerned.
Dagdag pa nila, mabuti umanong hindi nagpa-uto si Ivana sa mga galawan ni Gerald para mapalapit siya rito dahil kung sakaling nagpadala siya sa ipinapakitang kunwaring kabaitan ng aktor tiyak gulo at isyu ang aabutin niya at higit sa lahat, madudungisan lamang ang kanyang pangalan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!