Inamin ni Paolo Ballesteros na wala siyang kaalam-alam na magsasanib-puwersa ang dating magkalaban na noontime show na “It’s Showtime” at “Lunch Out Loud.”
Ayon kay Paolo, hindi naman umano kasi siya nanunuod ng mga nabanggit na noontime show.
“Oh talaga? Paanong magsanib-puwersa? Hindi ko alam na may ganoon na ganap,” wika ni Paolo sa panayam sa PEP.ph.
“Hindi ko kasi parehas na napapanood so I have no idea kung ano ba ang mga laman and paano ba sila. Ang alam ko lang, same na noontime shows sila,” paliwanag nito.
Samantala, ibinida naman ni Paolo ang ginagawang pagpapasaya ng “Eat Bulaga!” na noontime show na kanyang kinabibilangan.
Ani Paolo, hindi lang pagpapasaya ang kanilang ginagawa dahil nagbibigay din sila ng public service, awareness, at pag-asa sa kanilang manonood.
“But I can only speak for Eat Bulaga! na not only for fun and saya, but also more of public service, awareness, at nagbibigay ng pag-asa sa mga Pinoy na talagang nangangailangan,” dagdag pa nito.
Sa huli, sinabi ni Paolo: “Eh, di lalo pang sasaya ang tanghalian nating mga Pinoy?”
Samantala, inalala ng kolumnista na si Cristy Fermin ang panglalait noon ng komedyanteng si Vice Ganda sa TV5 na ngayon ay magiging istasyon na ng kanilang programang “It’s Showtime”.
Sa kanyang programa, inalala ni Nay Cristy ang naging pahayag ni Vice sa kanyang programa noong ‘Gandang Gabi Vice’ kung saan ay ginawa nitong katatawanan ang popularidad ng TV5.
Tila umikot kasi ang gulong ng tadhana dahil ang nilalait ng komedyante na istasyon ang kanilang magiging tahanan dahil sa bigo pa ring makakuha ng prangkisa ang ABS-CBN.
Ano sa palagay mo ang kahihinatnan ni Vice Ganda sa TV5, ang awkward lang diba?
Wala naman na hiya si vice ganda kaua wala ng akward akward 😂🤣
TumugonBurahinOk lang walang hiya si vice! Keysa iba dyan poorla!
BurahinBig deal sayo Cristy Fermin?
TumugonBurahinSi Cristy obyos naman na gusto niyang i down si vice ...ganyan yan pag may mga trip na artistang d nila feel .sana tulungan nlang iwasan na ang crab mentality ,in General....
BurahinItong Cristy Crab parang demonyita, laging toxic.
TumugonBurahinpaano nman kasi ganun ang pag uugali ni vice bastos ,bka iduduluhin nio pa yan maraming binastos na tao at walang hiya akala nman niya siya na ang pinka mayaman sa pilipinas na umasta, merong ugali yan hindi maganda lumaki ang ulo
TumugonBurahinSiraulo Ka no???inggit Ka Lang KY vice...Marami natungan si vice no?????
BurahinLumilipas ang panahon..ganyan talaga sa showbiz.gusto mo magkapangalan para sumikat di ba.parang others.nakaraan na iyon mga issue na iyan.dapat peace na ang lahat.di natin kailangan pag usapan ang nakaraan.importante magmahalan.kc di mo alam ang kinabukasan kyng narito pa kau sa earth.
TumugonBurahinsana matuto siyang mkisama at hindi siya hari don. sampid lng sila don
TumugonBurahinOK lng mga KAWATAN nga sa gobyerno nag sanib pwersa Di nyo npansin yan pa tlaga
TumugonBurahinMakapal naman ang mukha ng kabayo na yan...walang hiya yan eh
TumugonBurahinWala naman nging pang lalait sa sinabi ni paolo ? Hindi lang sya naging updated! That's all .. nkka gulat naman kasi tlga yung dalawang noon time show sa isang channel ehh 😅🤣🤣
TumugonBurahinHindi naman si Vice Ganda ang lumipat sa TV5 kundi buong its Showtime family. At ang Studio ng Showtime mananatili sa bakuran ng Abs-cbn. Kaya walang problema don. At mga Boss naman ng dalawang network abg nag-usap para sa pag-ere ng showtime sa Tv5
TumugonBurahin