Paul Desiderio Issue | Jean Agatha Uvero Nagsalita Na Sa Pang-aabuso Ng Kanyang Partner Sa Kanya!

Miyerkules, Hulyo 13, 2022

/ by Lovely

Nagsalita na si Jean Agatha Uvero tungkol sa umano'y pananakit sa kanya ng dating nobyo na si Paul Desiderio. Idinaan nito ang pagsasalita sa pamamagitan ng kanyang Twitter account at ikinuwento ang buong nangyari.

Binanggit niya rito na ang ginawa niyang ito ay hindi lamang para sa sarili kundi para na rin sa ibang kababaihan na nakaranas ng parehong sitwasyon.

Sa nasabing statement ni Agatha, nabanggit niya rito na nilunok iya ang kanyang pride para sa kanyang kaligtasan. Ayaw na umano niyang pagtakpan ang isang tao dahil lang sa pagmamaha. Ayon din dito na kung sakaling babagsak ang career ni Paul, ito lamang ang tanging masisisi at ang mga maling nagawa nito sa kanya.

Ayon pa kay Agatha, kung sakaling nagkapalit sila ng sitwasyon ni Paul, hindi niya ito magagawa. Idinetalye rin ni Agatha ang mga ginawang pananakit ni Paul sa kanya. Ang pinakamalala rito ay ang pananakal nito sa kanya habang siya ay dalawang buwang buntis. Sinuntok din umano siya nito, sinipa at kinulong.



Samantala, tila hindi na nasikmura ng mga netizens ang mga ginawa ni Paul kay Agatha dahil sa labis na kalupitan nito sa nagdadalang taong nobya. Komento pa nila na dapat itong managot sa batas dahil sa mga ginawa nito.

Dagdag pa ni Agatha, nagkaroon siya ng Post Traumatic Stress Disorder dahil sa pang-aabuso sa kanya ni Paul.

"I only spoke my truth, no falsifications. Karma is real and I believe that.. but if you feel the need to silence me or to justify his actions then maybe you're part of the problen. You enable that behavior. Blood is not thicker than principles."

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo