Isa ang aktor na si Piolo Pascual sa mga artistang inaabangan ng mga netizens kung kailan nga ba magpapakasal.
Ayon kay Piolo, hindi siya napi-pressure na sa edad niya ngayon ay wala pa rin siyang asawa at nananatiling single. Inamin din niya na nagbago ang kanyang pananaw pagdating sa buhay pag-ibig at pakikipagrelasyon dahil sa Covid-19 pandemic.
Dagdag pa nito, hindi siya atat na atat na makipagrelasyon.
"Hindi kasi ako naghahanap eh. 'Yan ang mahirap doon and there would come a time for me to settle down, I wouldn't have a criteria or requirements because at the end of the day it's about the heart. It's about the feeling."
Naniniwala rin si Piolo sa destiny.
"I believe in something that happens out of fate. Something that happen with divine intervention or divine appointments. I belive in magic, I believe in something electrifying."
Ngayon ay mas gusto ni Piolo na pagtuunan ng pansin ang kanyang showbiz career kabilang na ang pagiging producer. Isa lamang ang maliwanag, kung sinuman ang babaeng papakasalan ni Piolo ay napakaswerte umano nito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!