Piolo Pascual, magreretire na sa showbiz.
Ito ang sinabi noon ng aktor na kapag siya ay 40 years old na ay hihinto na siya sa showbiz. Nunit, ngayon tila binabawi na ni Piolo ang kanyang sinabi. Wala pa umanong plano si Piolo na iwan ang showbiz na naging trabaho niya sa loob ng napakahabang panahon.
Sa isang presscon, ipinaliwanag ni Piolo kung bakit siya nakapagbitaw ng mga salita tungkol sa pagreretire. Inamon ni Piolo, na baka bahagi lamang iyon ng kanyang pinagdadaanang mid-life crisis at sa nararamdaman niyang burn-out.
"I love what I do, and being with this business gives me meaning. So I guess, I was being immature, feeling burn-out back then. You can call it a mid-life crisis because you're too loaded up with work," saad ni Piolo.
Ayon pa rito, talagang passion niya umano ang pag-arte at pagpeperform. Mananatili umano siya sa entertainment industry hanggang kaya niya at hanggang may mga manonood sa kanya.
Sakaling natuloy sa pagreretire si Piolo, tiyak maraming manghihinayang lalong-lalo na ang kanyang mga fans. Sa ngayon, napapanood si Piolo sa kanyang bagong seryeng Flower of Evil.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!