Pokwang Pumalag Sa Banat Na ‘Palamunin’ Si Lee O’Brian

Miyerkules, Hulyo 13, 2022

/ by Sparkle

 

Naiyak si Pokwang nang ipagtanggol niya ang dating partner na si Lee O’Brian laban sa mga akusasyon lalo na ang sinasabing “palamunin” niya raw ito.

“Una sa lahat, walang third party, wala, in all fairness kay Papang. Hindi rin pera kagaya ng mga lumalabas na pera, hindi ho, walang ganun,” sabi niya sa interview ni Nelson Canlas sa “24 Oras” nitong July 12.

“Siguro naano lang kami, ano ba tawag dun? Napagod. Sana alam ng tao na ‘yung hinuhusgahan n’yo na si Lee O’Brian ay mabuting tao naman po… mabuting ama. Nasasaktan lang ako sa mga nababasa ko. Kesyo palamunin ko raw. Masipag po ‘yung tao,” dagdag niya.

Kaya raw ngayon lamang niya inilantad sa publiko ang paghihiwalay nila ni Lee noong nakaraang taon ay dahil matiisin siyang tao.

“Kasi ako ‘yung taong ano, lahat tinitiis ko, hangga’t kaya ko, ako lang. Hangga’t kaya kong itago sa mga anak ko, hangga’t kaya kong huwag iiyak sa harapan nila,” aniya.

“Lahat ng burden, gusto ko ako lang, parang nahihiya akong mandamay sa pamilya ko. Which is naisip ko ngayon na kaya nga pamilya dapat damayan,” dagdag ng comedian.

Sa ngayon ay pokus daw muna sa trabaho si Pokwang at nagkasundo naman sila ni Lee na magiging co-parents sa anak nilang si Malia.

Ano sa palagay nyo, palamunin ba talaga si Lee o hinde?

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo