Inamin ni Pokwang na ilang buwan na siyang hiwalay kay Lee O’Brian.
Sa ekslusibong panayam ng PUSH, ibinunyag ni Pokwang na naghiwalay sila ni Lee noon pang Nobyembre 2021.
“I’m okay, Mare. We’re okay. No third party involved and we’re both co-parenting kay Malia. Maayos naming tinapos ang lahat. Hindi kami pait-paitan,” saad ng aktres.
In good terms raw sila ni Lee at wala siyang problema kung bibisitahin nito ang anak nila na si Malia.
“In fact, welcome siya sa bahay. Every weekend ay magkakasama kami. Seven months of surviving and peace ‘ika nga,” wika pa ni Pokwang.
“Pakisabi sa mga bashers na nagsasabing karma ito—NO!!! Hahaha! Do not wish anything bad sa kapwa, yon ang karma. Babalik sa kanila yan! Nililinis lang ni God ang daraanan ko papunta sa tamang tao at sa mas maraming blessings na nakapila na,” dagdag pa ng komedyante.
Ang kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang unang nagbunyag ng paghihiwalay nila ni Lee.
Bakit kaya sila nag hiwalay? ano sa palagay nyo?
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!