May kurot sa puso ang pinaka-unang talumpati ni Ejay Falcon bilang Vice Governor ng Orriental, Mindoro naganap ito sa kanyang oath taking noong June 28,2022.
Binalikan ni Ajay ang simula ng kanyang karera sa showbiz nang sumali siya sa Pinoy Big Brother Teen Edition kung saan tinanghal siyang Big Winner noong 2008.
Nagbigay pugay siya sa paggabay ng adoptive father na si Ernesto Falcon na noong una ay tutol sa kanyang desisyong sumali sa PBB.
"Isang paki-usap niya noong panahong iyon, na ayaw niya akong pumasok sa PBB dahil hindi niya alam ang PBB. Wala pang kuryente noon nang umalis ako. Walang kalasada, wala pang signal ng cellphone," pagkukwento ni Ejay.
"Isang linggong paki-usapan iyon hanggang sa napilit ko siya."
Nakapasok si Ejay sa PBB at itinanghal bilang Big Winner.
"Maraming maraming salamat po sa pagsuporta ninyo sa akin. Sa pagpapalaki sa akin ng maayos. Sa aking Nanay at Tatay," pahayag ni Ejay.
Naiyak ang tatay ni Ejay na nakaupo sa unang hanay sa audience habang nasa stage ang bagong halal na Vice Governor.
"Totoo, umano na hindi niya gusto ang pagsali ni Ejay sa PBB noon, ngunit lubos itong nasiyahan ng makitang nagtagumpay ang anak sa kanyang karera bilang actor."
Tila hindi inakala ni Ejay na mula sa pagsabak sa showbiz, ngayon ay ang pagsilbi sa bayan ang kanyang bagong misyon.
"Alam ko na sa pagpasok ko sa pulitika ay isang malaking desisyon. Noong una ay hindi talaga ako pinayagan dahil alam nila na magiging magulo ang buhay pulitika. Pero sana ngayon ay proud kayo na nakatayo ako sa harapan. Nakatayo at magsisilbi sa ating lalawigan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!