Maluwag sa loob na tinanggap ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez na tapos niya ang panahon niya bilang isang sikat na singer sa industriya. Ito ang inamin ng singer sa isang panayam sa kanya.
Sa kabila nito, malaki pa rin ang pasasalamat ng singer dahil hanggang ngayon ay may nagtitiwala pa rin sa kanya at nabibigyan pa rin siya ng trabaho. Masaya rin siya na naging mentor siya ng ibang mga nakababatang singers at naibabahagi sa iba ang kaalaman niya bilang singer.
Dagdag pa ni Regine, bilang isang nakakatandang singer isa sa kanyang responsibilidad ang hasain at turuan ang mga bagong singers sa industriya. Itinutuloy din niya ang legacy ng kanyang ama sa pagtuturo sa mga bagong henerasyon ng mga singers. Wala na rin umano sa kanyang plano ang pakikipagkompetisya dahil wala naman na siyang dapat pang patunayan dahil alam naman ng lahat ang kanyang galing bilang singer.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!