Kinumpirma ng 66-anyos na aktor na si Rez Cortez na gaganap siya bilang ‘Mang Kanor’ sa proyekto ng bagong streaming site na AQ Prime Stream.
Ang Mang Kanor ay hango sa pelikula ng isang matandang lalaki na nakikipagrelasyon sa mga mas bata sa kanya kapalit ng pera.
Maliban sa pakikipag-relasyon ay kinukuhanan niya rin ng video ang mga nagiging karelasyon niya kaya naman naging kontrobersyal ito.
Sa panayam sa kanya ay sinabi ni Cortez na may mapupulutang aral ang mga babae sa nasabing proyekto nila.
Makakasama ni Cortez ang mga aktor at aktres na sina Nika Madrid, Joni McNab, Seon Quintos, Emelyn Cruz, Rain Perez and Rob Sy.
Si Greg Colasito at KJ Galicia naman ang mga magiging direktor ng nasabing pelikula.
Halos pareho ito ng istorya sa isa sa mga pinakaunang iskandalo na kumalat sa mga smartphones noong 2000s kung saan ay makikita ang isang matandang lalaki na kinukuhanan ng video ang kanyang karelasyon na babae.
Hindi naman nalaman ang pagkakakilanlan ng tunay na ‘Mang Kanor’.
Iba naman daw ang magiging istorya nito ayon kay Cortez dahil sa mahuhuli daw ang character na gagampanan niya at pagsisisihan nito ang kanyang mga nagawa.
“Dahil si Mang Kanor ay tao rin. May pakiramdam, meron din siyang compassion. May pagmamahal. Pero yun na nga, baluktot. Kasi nga, ang sa kanya, tumutulong siya pero may kapalit.” sabi pa ng aktor.
“Ang sa kanya naman, nakakatulong siya, pero sa maling pamamaraan.” dagdag niya pa.
Anong masasabi mo sa balitang ito?
That is how life works...Accept it or not it's reality
TumugonBurahin