Ricci Rivero at Andrea Brillantes Naglambingan Sa Court, Sinita Ng Gwardya!

Martes, Hulyo 12, 2022

/ by Sparkle

 

Halos langgamin sa pagiging sweet ang magkasintahang Ricci Rivero at Andrea Brillantes sa Star Magic Games 2022.

Super lambingan nga sina Ricci at Andrea sa naganap na event ng Star Magic artists. Kalahok si Andrea sa isang volleyball game.

Matapos ang kanilang laro at itanghal na panalo, tumakbo agad si Andrea sa kanyang nobyo na nasa bench ng court at nagyakapan agad sila.

Ngunit bigla na lamang silang nilapitan ng isang gwardya at sinita ang kanilang paglalambingan. Mukhang naalerto kasi ang gwardya at hindi inakala na boyfriend pala ng aktres ang kanyang nilapitan.

Nakuhaan naman ang kaganap na iyon ng video at ipinost ng Facebook page ng PUSH. Makikita din sa nasabing video na tila kinekwestyon ni Andrea ang gwardya.

Tinatanong niya ito kung bawal ba ang ginawa nila ng boyfriend na si Ricci. Kaya naman agad na inulan ng komento ang naturang video.

Anong masasabi mo sa balitang ito?

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo