Malalaking mga artista ang nagsasama-sama pinag-uusapan ngayong pelikula ng mga netizens na Maid in Malacanang. Ang pelikulang ito ay tungkol sa huling tatlong araw ng mga Marcos bago nila nilisan ang Malacanang Palace noong gabi ng ika-25 ng Pebrero 1986.
Ang mga pangunahing artistang gaganap sa nasabing pelikula ay sina Cesar Montano bilang Former President Ferdinand Marcos Sr., Ruffa Gutierrez bilang si Imelda Marcos, Diego Loyzaga bilang si President Bongbong Marcos, Christine Reyes bilang si Aimee Marcos at Ella Cruz bilang si Irene Marcos.
Noong July 2, ni-reveal na ni Direk Darryl Yap na kabilang din ang action star at bagong halal bilang Senador na si Robin Padilla sa cast ng nasabing pelikula. Sa isang Facebook post ibinahagi ni Direk Darryl ang larawan ni Robin Padilla at tila siya ay gaganap bilang sundalo. Hindi pa malinaw kung sino ang karakter na kanyang gagampanan. Subalit hinuha ng mga netizens na baka si Gringo Honasan ang kanya ipo-portrait.
Si Gringo ay isa may malaking parte sa mga pangyayari noon sa EDSA kasama si Juan Ponce Enrile.
Proud na proud si Direk Darryl Yap dahil napagsama-sama niya ang mga sikat na artistang ito sa isang proyekto.
Samantala, nagbahagi naman si Ruffa Gutierrez ng mga larawang kuha sa mismong set ng kanilang filming at makikitang pare-pareho silang excited at masaya sa pagkakabilang nila sa cast ng pelikulang Maid in Malacanang.
Nabanggit naman ni Robin Padilla na baka ito na umano ang huling pelikulang kanyang gagawin bukod sa isa pang may tema tungkol sa Marawi. Matapos umano ang mga proyektong ito ay hindi na siya muling tatanggap ng acting work at magpopokus na siya sa kanyang trabaho bilang Senador. Ang mananatili lamang umano ay ang public service niya sa radyo.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!