"That Ruffa Gutierrez must learn to say "Congresswoman". Hahaha ! You call me cong or I will call you something else. Sige ka. #Bardagulan"
Ito ang matapang na pagbabanta ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa aktres na si Ruffa Gutierrez.
Matapan na binantaan ni Cong. Rowena Guanzon ang aktre na si Ruffa Gutierrez na kung hindi siya nito tatawaging Congresswoman ay may itatawag rin siya sa aktres na siguradong hindi magugustuhan nito.
Tila isa itong pangangasar ng Congresswoman kay Ruffa matapos ang kanilang naging sagutan sa Twitter nitong nakaraan.
Matatandaang nag-umpisa ang lahat ng mag-tweet si Guanzon at tila pinatatamaan ang isang mayaman na nagpalayas umano sa dalawa nitong kasambahay at hindi binigyan ng sweldo. Kaibigan diumano ni Cong. Guanzon ang tumulong sa mga kasambahay.
Sa sumunod niyang tweet, diretsahan na nitong tinanong si Ruffa Gutierrez. Ni-retweet niya ang nauna at tinanong si Ruffa kung totoo nga ba ito. Parang diretsahan na nitong sinabi na si Ruffa Gutierrez ang tinutukoy niya sa naunang tweet.
Kaagad namang sumagot si Ruffa at itinanggi ang tweet ng Congresswoman. Bagama't totoong nagkagulo umano sa bahay nila, hindi umano totoo na nagpalayas siya ng helpers. Idinitalye din ni Ruffa ang nangyari at sinabing inaway umano ng mga nasabing kasambahay ang kanilang mayordoma na matagal nang naninilbihan sa kanila.
Ang dalawang kasambahay umano ang nagsimula ng gulo na dalawang linggo pa lamang na naninilbihan sa kanila. Napilitan na rin umano silang tumawag ng security para sa kaligtasan ng kanyang mga anak. Nagbanta umano ang mga ito umalis sa bahay nila ngunit hindi siya pumayag dahil nais pa niyang kausapin ang mga ito.
Itinanggi rin ni Ruffa na malupit siya sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan marami umano silang mga naging kasambahay na tumagal ng ilang taon sa kanila. Ipinaubaya na umano ni Ruffa sa kanyang legal team ang paghandle sa insidenting ito.
Tila may bwelta naman si Cong. Guanzon sa mga sinabing ito ni Ruffa. Ipinost ni Guanzon ang screenshot ng dating article tungkol kay Ruffa.
"Grabe naman. Siya na may kasalanan, ihahabla pa niya ang mga dating kasamabahay? Walang awa."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!