Maraming mga netizens ang na-excite matapos na tila kumasa si Former COMELEC Commissioner Rowena Guanzon sa pasaring sa kanya ni Anabelle Rama. Hindi man siya direktang pinangalanan ni Anabelle sa kanyang post noong lunes ng umaga July 11, 2022. Tinumbok ng mga netizens na para umano ito kay Cong. Guanzon.
"Hoy Day!! Pwede na huwag kang maging chismosang marites?? Kung magkwento ka akala mo CCTV ka ni Ruffa! Mind your own business! Ayusin mo nalang kaso mo. Baka gusto mong mapasali sa Maid in Malacanang kaya ka nagpapapansin?," tweet ni Anabelle.
Matapos ang halos isang oras, mukhang may sagot naman rito ang Congresswoman. Pareho kasing 'Day na pinaikling inday sa Cebuano' ang ginamit nila.
Post ng dating commissioner, "Wait lang Day."
Pagkalipas ng tatlong oras may follow-up sa bardagulan nila ni Anabelle si Guanzon. Tila may pasaring din sa anak ni Anabelle na si Ruffa Gutierrez.
Sabi ni Guanzon sa kanyang Facebook post, "No thanks! Pinapasweldo ko ng maayos ang mga kasambahay namin."
Dagdag pa nito sa isa pang post, "Nasearch ko din naka PDF file pa."
Nag-ugat ang tweet ni Anabelle sa naunang patutsada ni Cong. Guanzon na dapat umano siyang tawagin 'Congresswoman' ni Ruffa kung ayaw nitong tawagin niya ito ng ibang mga pangalan.
Ayon kay Guanzon, napag-alaman niyang may pinalayas umanong dalawang kasambahay si Ruffa. Ang masaklap pa'y hindi nito binigyan ng sahod.
Sumagot naman si Ruffa ngunit hindi nito tinawag na Congresswoman si Guanzon.
Si Rowena Guanzon ang First Nominee ng Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disability o P3PWD Partylist. Ngunit hindi pa siya makakaupo sa Kongreso dahil sa nakabinbing petisyon sa Supreme Court.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!