Ruffa at Lorin Nagkwento Ng Tunay Na Ganap Sa Reunion, Panaginip Ni Yilmaz at Pangako Ni Ilknaz

Miyerkules, Hulyo 20, 2022

/ by Lovely

Sa unang pagkakataon matapos magviral ang muling pagkikita ng mag-aamang Yilmaz Bektas, Lorin at Venice sa Istanbul, Turkey ibinahagi na ni Ruffa ang buong nangyari sa recent interview nito kay Dra. Vicky Belo.

Nabanggit ni Ruffa na napanaginipan umano ni Yilmaz ang bunsong anak nila na si Venice  at sinabi niyang mukhang may pinagdadaanan ang bata. Kaya nang sinabi ni Ruffa kay Venice na napanaginipan siya ng amang si Yilmaz. Diretsahan umano siyang sinabihan ng anak na nasa tamang edad na sila at nais nilang  makita ang kanilang ama.

Nang nakapag-usap na ang mag-aama sa telepono, umiyak na umano si Venice at nilabas ang lahat ng hinanakit nito sa ama. Hinangad din nito na muling makita ang ama. Kaya naman nakapagdesisyon umano si Ruffa na ito na ang pagkakataon na magkikitang muli ang mag-ama.

Inamin rin ni Ruffa na si Yilmaz ang itinuturi niyang 'Forever Love' ngunit tila malabo na umanong magbalikan sila.



Samantala, makikita sa bagong upload ni Lorin sa kanyang Youtube channel, na bukod sa kanila masaya rin ang Ate Ilknaz nila. Ayon pa kay Ilknaz, ang kanilang reunion ang kumumpleto sa missing piece ng kanilang buhay. Labis din ang pagg-iyak ni Ilknaz sa huling araw nina Lorin at Venice sa Turkey.

Nakiki-usap naman si Lorin sa mga netizens na nagkokomento ng negatibo tungkol sa kanilang muling pagkikita na maging aware ang mga ito sa mga binibitawang mga salita patungkol sa kanilang pamilya.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo