Ruffa Gutierrez Aminadong Iba Parin Si Yilmaz, Kinanta Ang “I Know I’ll Never Love This Way Again”

Huwebes, Hulyo 7, 2022

/ by Lovely

Ruffa Gutierrez hindi umano magmamahal pa ng iba ng kagaya sa pagmamahal niya kay Yilmaz Bektas at may inilaan pang kanta para rito.

Bagama't may mga nakarelasyon nang iba si Ruffa Gutierrez, aminado pa rin ito na iba pa rin si Yilmaz at tila walang makakapalit rito dahil ito ang kanyang greatest love. Inamin rin ni Ruffa na napapaiyak pa rin siya kapag nasgkakausap sila ni Yilmaz over the phone.

May mga pagkakataon diumano na nagkakamustahan sila at nag-uupdate sa buhay ng bawat isa alang-alang sa kanilang dalawang anak na sina Lorin at Venice.

Bagama't masakit ang kinahantungan ng pagsasama nila, napatawad naman ni Ruffa ang kanyang dating asawa. Bilang kanyang greatest love, naglaan si Ruffa ng isang kanta para rito, ang kantang I Know I'll Never Love This Way Again.



Sa kabila ng paghihiwalay nila noon at tila hindi pagbibigay ng suporta ni Yilmaz sa kanilang dalawang anak, hindi pa rin nagtanim ng galit si Ruffa. Hindi niya tinuruan ang kanyang mga anak na magalit rito. Ang mahalaga umano ay nakasurvive sila sa kabila ng pagiging single parent ni Ruffa.

Lubos namang humanga ang mga netizens sa pagkatao ni Ruffa na napaka-humble at nagpapatawad. Gayundin sa pagiging matatag na single mom nito.

Samantala, ganundin naman ang nararamdaman ni Yilmaz. Ayon dito si Ruffa rin ang greatest love nito.

Marahil ito ang dahilan kung bakit wala pa ring mga asawa sina Ruffa at Yilmaz hanggang ngayon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo