Ruffa Gutierrez at Ilknaz Bektas Nagkaroon Raw Ng Samaan Ng Loob!

Huwebes, Hulyo 7, 2022

/ by Lovely

Panganay na anak ni Yilmaz Bektas na si Ilknaz Bektas nagkaroon nga ba ng sama ng loob kay Ruffa Gutierrez. Matapos pumunta sa Istanbul ang kanyang mga kapatid na si Lorin at Venice. Ayon naman sa ilang mga netizens, hindi umano ito maiiwasan dahil tila nagseselos si Ilknaz sa mga kapatid.

Ayon sa pinaka huling post ni Ilknaz ang pinakamasayang 'hello' umano na nangyarin sa kanyang buhay ay iyong nakita niya ang kanyang mga kapatid. Sinabi naman ni Ilknaz ang pinakamasakit na goodbye ay ang pamamaalam niya sa mga ito.

Napansin naman ng mga netizens na kahit aktibo si Ilknaz sa social media ay hindi ito nagla-like sa mga post ni Ruffa Gutierrez Ayon naman sa mga netizens noong nasa Istanbul, Turkey raw sina Lorin at Venice ay laging nagla-like si Ilknaz sa mga post ni Ruffa.

Hindi tuloy naiwasang maisip ng ilang mga netizens na pakitang tao lamang ang pagla-like nito sa mga post noon ni Ruffa. Bukod rito, tila tahimik na rin sina Lorin at Venice sa mga post tungkol sa kanilang ama na siYilmaz Bektas at kapatid na si Ilknaz.

Samantala, hanggang ngayon hindi pa rin ibinabalik ni Yilmaz ang kanyang social media account matapos magtrending at hagilapin ng mga netizens ang kanyang Instagram account.



Napansin naman ng mga netizens na palagi namang online si Ilknaz dahil sumasali pa ito sa mga online auction. Tila nakisabay lamang umano si Ilknaz sa agos ng pangyayari lalo na't kilala ang kanilang pamilya sa Istanbul, Turkey.

Sabi naman ng ilang fans ni Ruffa Gutierrez ay huwag na lamang umanong bigyan pa ng kakaibang kahulugan ang hindi pag like ni Ilknaz sa mga post ni Ruffa, Lorin at Venice. Dahil baka busy lamang umano si Ilknaz.

Nanatili namang naka-follow si Ruffa kay Ilknaz at laging nila-like ang mga post nito. Baka naman umiiwas lamang sa public attention si Ilknaz dahil hindi sila sana'y sa attention mula sa publiko. Ang mahalaga umano ay hindi parin pinuputol ni Ruffa ang ugnayan nila sa kapatid ng kanyang mga anak.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo